22 August 2005

....

lecheng sipon to.. inuubo na rin ako. hmph!

21 August 2005

bakit kaya ganun? seryoso nanaman to, baka manibago ka.

bakit kaya ganun? lagi nalang ako. may mali ba sakin? ewan ko. hindi ko nga alam eh. bakit laging pag sinabing "bahala ka.", tapos ginawa mo plano mo, galit sayo. kailangan bang ganito nalang lagi?

teka. napaisip ako. ilang taon na ba ako? 20. wala nang "-teen". in short, di nako bata. pero bakit ganon? parang bata parin turing nila sakin?

bakit ganon? di ko parin magawa gusto kong gawin. di ko mailabas yung tunay kong pagkatao. bakit? kasi may pumipigil. sino? mmmm. isipin niyo nalang. andami-daming pagkakataon na sinayang. andami-daming panahon na isinantabi lang. andami-daming maaring magawa na binali-wala. bakit? dahil sa.... um! yun na.

bakit kaya? kahit sa sarili kong pamilya (hala ayan na!) di ko feel na kasama ako. di ko feel na parte ako. di ko tlga feel. sana... haay. sa susunod ko nlng sasabihin. andaming pagkakataon na pinagisipan at pinagplanuhan ko nang lumayas dito sa bahay. sobrang dami. mula pa nung bata pa ako. may nabasa akong libro, si john grisham yung nagsulat. tungkol sa isang tao na pinamukhang namatay siya, pero nagiba ng pagkatao... at nagtangay ng $90m. ngayon naisip ko, pano kaya kung ganon din gawin ko. kunwari namatay nako, pero sa totoo, mawawala lang ako bilang ethel. wala nang ethel, thellybelles, thellybelly, thellicious, thelthel, jet, etot. pano kaya yon? may makakamiss ba sken? may makakaalala ba sken? may makakaramdam ba na wala na ako? ewan. basta. pag nagkaron ako ng pagkakataon na ganon... ay, ewan. diko lam kung magagawa ko nga.

hay. kung ang buhay nga ay sadyang napakadaling intindihin. katulad nga ng sagot ko sa isang survey sa friendster, ang tanong, "life is..?" ang sagot ko: "a mystery, sometimes you think that you've understood it, but then again, maybe you haven't." haaaaay.

take me away. please.

16 August 2005

Panalangin - APO Hiking Society

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

source: http://www.lyricsdownload.com/apo-hiking-society-panalangin-lyrics.html


kahit na paulit ulit lang ang kanta, oks lang. kung kailangan paulit ulit, oks lang. at least naeemphasize. kelan ko kaya magagawang masabi ang kailangan kong sabihin?

15 August 2005

ouch men...

*minsan lang magseryoso.. pagbigyan niyo pagddrama ko...*
~

kahit na sabihin kong masakit, wala naman ako magagawa. bakit? wala naman ako karapatan eh. sino ba ko? kaya kahit na ilan beses kong sabihin sa iba na nakapag 'move on' nako, hindi ko kayang i-deny sa sarili kong kahit papaano, masakit eh. kung ikaw ba naman kwentuhan kung sino gusto niyang pormahan diba? ouch men. alam ko minsan nagpapakamanhid nako, pero di naman ako bato. alam kong wala akong karapatan magdrama, pero... kailangan ko lang talaga ilabas ito. hindi ko na kakayanin eh. di naman ako si superman (or girl, for that matter). tao ako, nakakaranas din ng mga ganitong problema sa buhay. haaay.

lecheng buhay to. tama ka, sir flo. bakit pa kaya nagevolve ang tao? leche.

11 August 2005

isang malaking....


SALAMAT!

sa lahat ng nageffort gumising ng maaga kanina... :D salamat sa lahat!!! *mmmmmwah! you're da best!*

09 August 2005

hala!

dalawang tulog nalang!!!!!










BIRTHDAY KO NA!!! shet! tatanda nako!

08 August 2005

isang hirit bago matulog.....

ang daming mga pangyayari ang hindi ko ineexpect na mangyari. sino ba naman ako para makontrol ang mga pangyayari na itinatalaga ng tadhana... ang pwede ko lamang gawin ay tanggapin ito at gamitin sa pinaka-mabuting panahon.

~

sino ba naman ang makakapagsabi na nakakamiss din pala sila? siguro kasi nasanay na ako na isang taon mahigit na ang naging pagsasama namin - mula pa nung ako'y naging kadete hanggang ngayon. parang ang dami na nangyari na hindi talaga mapapalitan ng kung ano pa man.

~


madaming alala ang naitatag magmula non. hinding hindi ko makakalimutan ang mga yon. at para don, salamat.. salamat ng madami. hindi pa sapat ang paggawa namin ng video para sa inyo.

~

kung saan man hahantong ang naging pagsasama natin, isasaalang-alang ko na lang uli ito sa tadhana...