haaaaaay... huwatta day. astig na unang entry 'to after term break. haha. pero seryoso. ang dami kong natuklasan ngayong araw na ito. pero.... shempre hindi ko iisa-isahin kung ano-ano ang mga nadiskubre ko noh... baka may makabasa, at bigla nalang akong hindi kausapin. *disclaimer: ang mga isusulat ko sa entry na ito ay ang aking insights tungkol sa mga nadiskubre kong iyon. siguro magbibigay ako ng example, pero it wouldn't mean na yun nga yung nangyari, okis?*
==============================================
kahit anong klaseng pakikisama mo sa isang tao, kahit ano na ginawa mo, parang hindi parin sapat para sa ibang tao. biruin mo, sabihan ka na kaya hindi na "pwedeng" sabihin sayo kung ano ang nangyayari (pero take note, siya ang nagopen up nung topic ah) kasi hindi na siya nagtitiwala sa mga ibang tao. So, in short, parang sinabihan ka na rin na hindi ka na rin niya pinagkakatiwalaan, diba? at shempre, pagkatagal-tagal na niyang nasabi sakin yon, ngayon ko lang narealize. tanga ko noh? eh ksi naman, di mo iisipin kasi ikaw, nagtitiwala ka. hay nako.
~
pagkatapos-tapos ng pagkahaba-habang mga pagkkwento sayo tungkol sa isang bagay, at paghingi ng opinion mo tungkol don, at kung bakit may mga tao na sadyang hindi nakakaintindi, yung pinakaimportanteng bagay tungkol dun ay hindi man lang masabi sayo kasi sa kung anong rason na hindi ko masabi. bakit kayang kailangan pang itago? bakit kaya kailangan pang isipin kung ano ang iniisip ng tao, sabay sabi ng wala namang masama? bakit kaya? hindi kaya kasi may sinabi siya tungkol sa isyung yon, at ngayon, kinakaen (este, nilalamon) na niya ang mga pinagsasabi niya tungkol dun? anong tawag don? hindi ba hipokrito? hay nako. ang taas pa naman ng respeto ko dun dati, ngayon biglang nawala. as in nawala talaga. problema ko ngayon, likas nalang bang makikipagplastikan ako sa kanila (yep, dalawa sila. haha), o kailangan na bang magpakatotoo na ako sa sarili ko, pati na rin sa iba pang mga kaibigan ko na maaaring (at sigurado akong) madadamay kung may mangyari man? paano ko haharapin ang isang tao na wala ka nang karespe-respeto? hindi ko nalang ba papansinin at ilalagay ang pagkakaibigan namin sa alanganin? kasi kailangan din naman isipin yung factor na naging magkaibigan din naman kami eh. hay nako.
~
ang buhay nga naman. bakit kaya ang buhay napakagulo?
kung kelan sa tingin mo ay naiintindihan mo na ang buhay, pero hindi pa pala.
anlabo talaga.
di ko na gets.
likas lang ba ito sa tao?
human nature ba, in english.
bakit? bakit kahit anong gawin mong pagiintindi, hindi mo parin maintindihan?
hindi na lang buhay ang pinaguusapan, eh.
bakit ang tao sadyang malabo?
bakit may mga tao na sadyang bumabaliktad sa sinumpaang salaysay?
anong tawag sa ganong klaseng tao?
hipokrito?! hypocrite in english.
likas lang ba ito sa isang tao?
san ito nanggaling? pano naging ganito ang tao?
mapapagkatiwalaan mo ba ang isang taong ganon? hindi, diba?
bakit pa ko nagtitiyaga sa ganong tao?
eh yun nga. naging magkaibigan din kami.
ganito lang ba talaga kahirap ang buhay?
ang dami kong natutuklasan, mahirap na magtiwala kung kani-kanino lang para ishare.
haay. ang buhay nga naman. kaya yoko na nang nagiisip eh. kung ano-ano ang mga nagiging kuro-kuro ko. haha. kelan kaya maiintindihan ang buhay?