20 May 2005

paano kung...

minsan sa araw ng isang tao hindi mo maiiwasan na magisip ng mga bagay na minsan ay hindi mo masasagot. mga hypothetical o rhetorical questions, ika nga. yung mga tanong na minsan nama'y alam mo na yung sagot ayaw mo lang tanggapin. mas mahirap yon. etong mga tanong na tinutukoy ko yung tipong "paano kung..." na tanong. in english, "what if..." at titiyakin ko sa inyo na sasakit ang ulo niyo kakaisip ng mga sagot na alam mong hindi naman totoo...

katulad ng mga ito: pero sa pagkakataong ito, haharapin ko ang mga tanong kong to. may sagot ako. hahaha.

paano kung hindi ako bumagsak, ano? -> nangyari na ang nangyari. tama na sa pagpapantasya. wala ka na magagawa don...

paano kung nagofficer ako? -> haaaaaaaaaay naku. alam kong HINDI talaga mangayayari yan, ever. dati pa. as in. at isa pa. masaya nakong nahihiritan yung mga naging officer ko eh. bakit pa ko magpapaunder sa kanila di ba? haha. (hi sir! alam kong binabasa mo to. ble! =P)

paano kung nag-UST ako? -> gragraduate na ko in 4 terms. kailangan ko pa bang isipin yan? payn. kung nag-UST ako 2 taon pa. baka nga 3. eh sa DLSU? 4 terms. hopefully.

sample lang yan. gets nio naman na siguro mga pinagsasabi ko di ba? huwag mong sabihin na hindi mo pa nararanasan yan. abnormal ka siguro.

3 tulog nalang pasukan na. gusto ko na pumasok. bakit? dahil may allowance na uli ako. hooray! :D

nga pala... gusto ko lang mag-HI! sa mga nagbabasa. kilala nio naman siguro kung sino kau di ba? wala lang.. :D



No comments: