*disclaimer: kung ano man ang nakasulat dito, mga iniisip ko lang at mga kuro-kuro ko lang ang mga to.* mahirap nang hindi maglagay ng disclaimer eh. minsan lang talaga may mga taong nagbabasa na feel nilang sila ung tinutukoy. haay.
~
anyway, naisip ko lang kung bakit may mga pagkakataon na hindi lang talaga maintindihan ng mga ibang tao ang iniisip mo. Yung tipong nabanggit mo lang ung iniisip mo, as in out of the blue lang, as in wala lang, tapos iisipin na nila agad na baka sila yon, or may pinatutunguhan ka sa iniisip mong yon. grabe pare. napakaparanoid naman non. hay nako. minsan, hindi nako nagtataka kung bigla nalang silang magcomment na parang dinedefend nila sarili nila, parang tinamaan sila. ang tanong ko lang naman, bakit sila tinatamaan? bakit kailangan nilang magreact ng ganon? ang sakin lang naman ay, bakit ka tatamaan kung wala ka naman ginagawang mali? diba? bakit mo kailangan na idefend ang sarili mo kung hindi ka naman apektado? un lang. ang daming pagkakataon na ganyan ang napapansin ko eh. iba ung sobrang sensitive sa guilty eh. wala lang. napansin ko lang.
~
bakit naman minsan may mga tao na kahit sobrang harap-harapan at lantaran na ang mga panama mo sa kanya eh hindi talaga siya naapektuhan? as in yung sooooooobrang dense. as in kahit na deretsahin mo na, wala parin. wala lang.
~
sa mundo naman kasi natural lang na may kapareha ung isa, diba? kaya ayan. kung may sobra kung matamaan kahit hindi naman dapat, meron din naman tao na kahit sobra na patama mo sa kanya, to the point na deretchahan na, wala parin. haay. talaga naman ang duality ng mundo ano? kahit anong bagay sa mundo, meron.
~~
anyways... bakit ganon? minsan ang hectic ng buhay, minsan hindi. minsan ang daming ginagawa, minsan naman wala. minsan hindi mo alam kung paano mo pahahabain ang oras, minsan naman parang hindi gumagalaw ang oras. wala lang. madaming pagkakataon na nakita ko ang sarili ko na ganyan. hehe. wala lang.
~~~
o xa, hanggang dito na lang muna. mejo mahaba na to, at may klase pa ko. hahahahahah...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment