01 October 2006
hala! unang araw ng buwan may entry ako.. haha... pagbigyan... ngayon lang uli nagkaroon ng kuryente, malamang ngayon lang uli nagka-internet... kaya eto...
pano ba naman, nung wednesday ng gabi, alam ko na na may bagyo na dadating. paggising ko kinabukasan, nalaman kong suspendido lahat ng klase, at signal #3 na yung bagyo... at dadaan siya ng metro manila. ayos, diba? bagyo... eh biglang nagyaya nanay ko na kumuha ng pinatahi sa jennmar... patay tayo dun... isipin mo, signal number 3 na yung bagyo. imbes na nasa bahay ako, ayun, sumugod kami ng quezon city (at taga pasig ako, sankapa?!) para lang kunin yung mga pinatahi na pwedeng pwede naman magintay ng hanggang tapos na ang bagyo, diba? hindeeee. kailangan na daw kunin yon. ehdi yon. sino ba naman kami para kumontra sa kanya, diba? ehdi ayun. sugod. at ayun din, kalakasan ng bagyo, nasa lansangan kami. hinarap namin ang malalakas na hangin at mga tumutumbang puno at poste ng meralco at pldt. shiyet. tapos brownout pa. malamang. madami ngang naputol na kable ng kuryente eh. kaya ayun. tatlong araw na walang kuryente. ayus.
sana kung hindi lang yon eh. talagang thursday ng tanghali lang umulan ng malakas. as in. pagdating ng gabi ng thursday at nung friday, ala na. papunta nang china ung bagyo. ayos ano? kaya ayun. ang iniwan, sandamakmak na nagsitumbahang puno, poste ng meralco at billboard. oo, billboard. sa kinadami-daming billboard sa edsa at south super high-way, ilan nalang ata ang natirang nakatayo. kaya ayun. trapik. nanaman. haaay. buhay nga naman ano?
at wag ka. diba nga walang kuryente, malamang walang pambomba ng tubig. in short, walang kuryente, walang tubig na galin sa deep well. buti nalang may back-up kami. nawasa. yung lola ko, galit sa tubig yon. kahit wala nang tubig, magaaksaya parin. kaya nung brownout, ayun. nadiskubre yung nawasa. hala, hindi na tinayuan yung gripo sa garahe namin. galing-galing.
pero... (nyak... realization kuno) napaisip din ako eh. kailangan pa ba ng bagyo para mapagisip ang mga tao kung ano na ang ginagawa nilang paglapastangan sa kalikasan (nakanangpuch anlalim)? kailangan pa ba ng bagyong kasing lakas ni milenyo (oo, yan ang pangalan nung bagyo) para maisip natin na sadyang napakadaming billboard sa edsa sa south super high-way na napaka-delikado sa mga motorista (ayun. may nahulog na billboard. may nabagsakan, patay.)? kailangan pa ba na madaming masalanta para malaman ng tao kung gaano kahalaga ang buhay? sa tingin ko hindi eh, pero anong nangyari? kinailangan pang paaalalahanan tayo. buti na lang bagyo lang. pano pa kaya kung lindol? o kaya yung sunod-sunod na pagputok ng bulkan? o kaya bigla nalang lumubog ang buong pilipinas? aantayin pa ba natin yon para magbago??? san man nanggaling tong mga tanong kong to, hindi ko rin alam eh. basta pumasok nalang siya sa utak ko. pero may point ako diba? diba?
narealize ko din kung gaano na tayo dumedepende sa bagong teknolohiya. at dahil nawalan ng kuryente, ayun. walang tv, walang cable, walang internet. naubos ang charge ng mga cellphone. walang mailagay sa ref at freezer. walang microwave. at dahil madami nang gumagamit ng electric stove grill, madaming hindi makapagluto ng pagkaen. tama ba yan? kumbaga ba, nung tatlong araw na nagbrownout, parang huminto ang pagikot ng mundo natin. yung tipong kakaen na ng hapunan bago pa mawala ang liwanag, tpos maagang magsisitulog, tapos ang gising eh hindi lalagpas ng pagbuka ng liwanag. kung ang bagong teknolohiya na ang nagpapatakbo ng buhay mo ngayon, bigla ka nalang mapapagisip: paano ako nabuhay noong hindi pa uso ang cable, cellphone at internet? hindi ba? natanong ko na sarili ko niyan. sigurado ako naitanong mo na rin yan sa sarili mo. hindi ba? wag mo na i-deny...
haay. sana hanggang ganito nalang ang mangyari. eh kaso lang, meron nanaman isa pang bagyong padating eh. sana lang talaga na hindi na dumaan ng metro manila. hindi ko na talaga makakayanan kung walang kuryente eh. inaamin ko, hindi talaga ako mabubuhay kung babalik ako sa panahon na wala tong mga to. pramis.
naka na! ang haba ng post kong ito. yaaan. yan ang nagagawa kapag tatlong araw kang nawalan ng kuryente. kapag tatlong araw kang nakatunganga sa gabi, binibilang ang mga gamu-gamo na umiikot sa liwanag ng kandilang hawak mo. hay nako. sa susunod na magbr-brownout, magpapacheck in ako sa hotel. at least sila, may generator. may cable pa. haha. =P