29 May 2006

makalipas ang isang linggong pagpasok...

29 May 2006

ngayon lang ako nakaupo at nakaisip ng mga bagay bagay na nagiba ngayong pasukan...


~

wala na masyadong mga frosh na gumagala sa main campus ngayon... lahat sila nasa bagong building na... yung bagong building na 6 lang ang elevator pero mga 20 floors xa. yung building na walang id scanner. yung building na hindi pa lahat ng classroom ay may aircon. yung building na madumi ang banyo. yung building na hindi pwede pumasok ang ibang estudyante kung walang klase dun. yung bagong building na minadali para lang sa pasukang ito. hay nako. good luck nalang sa mga frosh na yan. bago nga building nila, kulang parin sa para maging "world class" ang standard. gets?

~

at dahil wala maxadong frosh sa main campus ngayon, maluwag-luwag na ang mga "main thoroughfares" ng campus. ibig sabihin, pwede na nila ayusin ang sj walk. pero, ang sj walk ganyan na. kung ayusin mo yan, di na sj walk yan. oh well. kung tutuusin, may benepisyo naman kung ayusin nila ang sj walk.. ibig sabihin mas malawak na ang basketball court. nyahahaha. joke lang. ang alam ko, mawawala yung mga bench na may chess board sa konkreto sa ilalim ng puno. mababawasan nanaman ng matatambayan. **ibig sabihin, mag iiba na ng tambayan ang santugon?**

~

anyway... ang saya ng schedule ko ngayon. m-w-f lang ang pasok ko... kaso lang, pumapasok parin ako ng t-th dahil sa thesis. haaaay. sana talaga matapos na yan ng mabilis. para tapos na lahat. ayoko na magaral eh. siguro magmamasters ako after two years... para at least may break di ba? hehe

~

speaking of schedules... may subject ako na 1430-1530 ng m-w-f... grabe kakaiba yung prof... imaginin niyo si professor snape na mas bumaet... ayun. weird pa nga kasi naninilaw yung kamay niya...

~

so ayun.. yun muna... medyo nabe-brain drain na ko eh....

No comments: