19 May 2005

after a looooooong time.... =D

after a loooong time nagkasama sama na rin kami ng mga kabarkada ko.. ang tagal nanamin kasing hindi nagkikita kita.. and i mean yung kumpleto kami ah. pero yung orig na plano eh manonood ng sine. buti pa sina kuya pj napanood na yung star wars episode 3:revenge of the sith. wala lang gusto ko kumpleto yung title. haha. shet. gusto ko na panoorin yon. kelan kaya ako makakanood?

owel. o di ba nga matagal na kami hindi nagkikita kita? edi malamang madaming kwento nanaman di ba? so imbes na manuod ng sine nagkwentuhan nalang kami. mas masaya, tipid pa. :D hehe di ko na nga matandaan kelan kami huling nagkasamang kumpleto. last year? o last last? ewan ko. basta matagal na, hindi ko na nga maalala eh.

siguro pag pumasok na ko mas hahaba mga entries ko dito ano? ewan. parang ambabaw ng mga sinusulat ko dito ngayon eh. sa tingin niyo ba pag nastress na ko eh mas lalalim ang mga entries ko dito? comments are very much welcomed here. :D click nio lang yung comments na link. wag na kayo mahiya. hehe. di naman ako magagalit eh. di naman ako gaganti. pramis.

gusto ko na pumasok. gusto ko na ng allowance ko.

bow.

No comments: