13 May 2005

hmmmmm...

hmmmm....hala nakahalungkat ako ng mga tula ko dati... gusto nio ng sample? :D ehehehe ayaw nio? wala parin kayo magagawa.. blog ko to... ahahahaha joke lang... :D eto:

sa isang tingin
by ethel tee (with help from erica salcedo, cathy fernandez, nina celso)

sa isang tingin
ako'y natulala
sa kagandahang
aking nakita

sa iyong ngiti
ako'y namangha
parang diamanteng
kumukuti-kutitap

sa isang galaw
ako'y namamanglaw
ngunit kung ika'y makita
ang araw ay sisigla

sa isang sulyap
biglang nawala
mga ala-alang
pinagkaingat-ingatan

*konting background sa tulang ito... hehe... second year high school ko pa yan naisulat... kailangan ksi para sa literature subject namin... eh mejo yung mga panahon na iyon naeenganyo ako magsulat ng tula... ngayon mejo tinatamad ako at hindi ako natatamaan ng "creative juices" para makapagsulat... hehe... katulad ng sinabi ko sa itaas, nahalungkat ko nalang uli ito... :D harhar

No comments: