08 January 2006

happy new year!!!! hehe =P

*sigh*. it's been a long time since i last posted, and that was last year! (well, technically, i last posted last december 2005, and it's already january 2006, so, my last post was technically last year already. hehehe) anyway, since it's already the new year, i have a new laptop (yey!) to use in posting! heheheh =)

~

two terms (hopefully) to go! this term, i am already taking up my thesis 1, and hopefully we would be able to finish it without being deferred. i'm not used to this much free time... i officially have tuesdays free... and i'm not used to not going to school everyday! *sigh* it's weird, having spent my entire stay in la salle going to school everyday! *sigh*

~


okay. officially, i am scared to death for our thesis.

~

i don't know if it's a good thing or a bad thing, but i'm slowly pushing a certain organization out of my system. =P maybe because i had been busy last term and i wasn't able to go there all the time, or maybe i've just started to outgrow them. somehow, a lot of things are changing now that the reality that i only have two terms left in dlsu is dawning on me. entering this new term with our thesis in mind certainly lets someone push out every other irrelevant thing out of their minds. i just wish that all turns out well this term... i wish that we would get approved at once...

09 December 2005

*sigh*

disclaimer: lahat ng isusulat ko dito eh pawang mga iniisip, tanong, at kuro-kuro ko lamang. kung may matatamaan: bakit kayo matatamaan?? hmmm... bakit kaya? anyway....
***************************************************

masaya ako ngayon. hehe. mukhang magiging masaya ang pasko ko. bwahahaha. ok, fine, di gaano ka-saya, pero masaya parin nonetheless. yikeee! bakit kaya?? hmmmm... secret! =D basta, astig to. super! hehehe... sana lang eh matuto xang magreply sa mga text... kaya nakakadiyahe (nyak! da word!!) magtext eh... hehehehehehe.. =P

~

ngayon ko lang napagtanto (naka na! 'napagtanto daw o...') na sadyang may mga taong napaka-childish. ang kapal pa ng mukha nila na sila pa tong mga nagsasabi sila'y napakamature para sabihin nila na sila lang ang laging tama. kelan kaya nila matatanggap ang katotohanan ng realidad na hindi lahat ng tao ay susunod sa kanila? hindi lahat ng tao ay matatakot nila at mademandahan nila ng respeto galing sa tao. ang respeto ay pinaghihirapan, hindi nakukuha dahil sa takot. hay. mejo mahaba-habang discusyon to kanina eh. hehe. owel. sino ba kami para mangialam diba?

~

haay. matapos lang ang tuesday makakahinga na ko ng maluwag. ay, hindi pa pala. kailangan makuha muna ang course card namin. leche naman o... sana naman pumasa ako ng orgavid... kailangan ko na magthesis next term! gusto ko na grumadweyt! gusto ko na umalis sa bahay na ito!!!! argh. lecheng mga prof yan o...

~

hay. think positive nlng. think about happy thoughts... think about.... hehe =)

05 December 2005

rock n relief

yes! after 3 months of planning and stressing, nangyari na ung event namin nung saturday (03 December 2005) sa Mugen Bar and Restaurant sa Metrowalk.... grabeeeh! asteeeeg!! lupet ng mga banda! hehe, para sken ah, parang mas astig pa ung ibang front acts namin kesa sa ibang main acts.. hehe... pero sa akin lang naman yon... hehehe... pero astig tlga... kahit nakakapagod ksi buong araw na akong may ginagawa, enjoy paren... kahit harassed... at least nabawi namin lahat ng ginastos namin, may tubo pa! hahahahahaha...

dami nangyari! daming tao! asteeg! kala namin walang maxado ang pupunta, pero madami din pala! =) asteeg!! sayang ung mga hindi pumunta... andami niong namiss!!! hehe lalo na ung fashion show... hahaha enjoy tlga ung buong gabi!!

25 November 2005

hay nako...

nako nako nako... ang mga panahon na katulad neto ako napapagisip kung bakit ako nag-orgcom sa lasalle. minsan iniisip ko, pano kung nag-adver ako sa ust? mas madali ba buhay ko don? hay. hindi ko alam. sobrang bilis ng panahon dito sa lasalle... sobra. parang feel ko na unti-unti na akong pinapatay dito.... anyway....

***********

PLUGGING:

watch! ROCK N RELIEF, on 03 December 2005, at Mugen Bar, Metrowalk, Ortigas
it's a Christmas concert for the benefit of StreetPals, a NGO aimed to rehabilitate and shelter street kids with drug addiction that is in danger of shutting down. all proceeds would go to StreetPals. tickets are priced at 150 each with free shot! contact me for more details! =D

21 November 2005

STRESS!!

it's been 19 days since my last post, and i guess you guys (naka na!) are wondering why: these past few days have just been sooooo stressful that i find that 24 hours in a day is just not enough for all the requirements that we have to do. schoolwork even extends to the weekends, and i'm not saying up til saturdays only, but even sundays! can you believe that? the only one day of the week where i can unwind and rest is still being taken up by schoolwork. i guess this is the price we pay for studying at La Salle... its just so damn hectic and fast-paced that you can never track the time - how long the term's been, or how fast you need to do this certain project. one thing's certain, though. a deadline after a week is normal, more than a week is heaven.

~

a lot has been happening lately. and i just found out that certain people, even though they should be acting maturely, are still too childish. i don't know about others but now i am not surprised why there are certain people out there who are still wondering if ever the other party would be the one who will make the first move to 'regain' or 'restore' the friendship that was lost over a stupid, idiotic move that certain people make. well... not this time, not ever. it's not my loss.

~

damn. the reason for why i still found the time to update my blog totally escapes me. i am aware that i still have a lot to do for my majors, but i don't know... i can't seem to find an explanation for this... sigh. if only life were that easy.

03 November 2005

*sigh*

03 November 2005; 1458H -->start
------------------------------------

*sigh*. this day is proving to be soooooo boring. chalk one up for our prof being sick. yeah, sick my butt. (sorry for the language). she's the one who's skipping all these precious time away. just don't let me hear her say that the deadlines still hold. i swear i'm going to kill her. it's not my fault that she has things to take care of. we do too, and still we do what we're supposed to do (complaining loudly at that, but still, we do our tasks).

~

oh yeah, i could've just gone to school at a later hour, since i knew that she was going to be absent today, but then again, i was to do our concept proposal and rationale with my groupmates for our final project in orgavid. yeah, i got to school early, ready to do a paper, but then, only one of my groupmates show up. and yeah, she just showed up because she didn't know there wasn't going to be a class today. so, given the fact that if she knew, then she wouldn't even come to school. so, going back, we didn't get to do the paper, since we still didn't know the format, but we could've discussed it then, but like i said, there was only two of us, so what was there to discuss? sigh.

~

anyway, we decided to eat lunch at mcdo, where we --that is to say, farrah and i, talked about a lot of things, things that i dare not to put here. just in case other people will read and assume that i'm talking about them (hehe. pun intended. =P). anyway, after that, i ran into walther, and since i had nothing else to do that time, i accompanied him while he ate and waited for his brither and Fig. We also talked about a lot of things, and again, things that i dare not put here because someone might pass by my blog ands read and assume that it was him or her that i'm talking about. you know the drill.so there. haha. anyway, i'm still waiting for my next class, which is still later. gosh... i don' t know why i'm soooo bored today... all this because our prof was absent! argh!

------------------------------------
03 November 2005; 1534H -->end

01 November 2005

geddemit!!

this week's supposed to be relaxing -- the government's declared it a holiday, except wednesday and thursday, which i think personally was also supposed to be declared a holiday-- but then again, instead of being relaxing it's just as stressful, to us especially. did it even occur to GMA that not every university is semestral, and that we are affected by those two days in between declared holidays???? geddemit...
~
not only that, but there are professors who are really, really getting to the limitations of my patience. i don't care at this point whatever people say about expecting that subjects are harder in DLSU because we have higher standards etc... there are just some professors who have fun in seeing their students suffering from all their requirements. geddemit! if only it wasn't a crime to kill.. sigh.

28 October 2005

haaaaaaaaaaaay....

may mga pagkakataon ba sa buhay mo na minsan lang talaga na handang handa ka na sumuko? alam ko madalas ko nang sabihin yan dito sa aking blog pero taagang minsan ay may mga oras na hindi ko na talaga kaya. katulad lang kanina. may exam kami sa persuad, siguro mga 30 minutes ang naaksaya namin sa pagaantay ng copy ng exam questions... sabi nung prof ko na binigay daw nia sa secreatry nung department namin para ipaphotocopy... eh yung secretary kanina lang pinaphotocopy... leche. kung pinsimulan nalang nia samin yon agad, ehdi sana hindi kami mashadong nagmamadali at mas maayos pa ang mga sagot namin, diba? wag lang siya magreklamo na ampapanget ng mga sinagot namin, magaamok na talaga ako... sumakit pa talaga ang ulo ko dahil sa exam na yon.. argh! shyet pa lahat ng kailangan gawin for orgavid! ang dami talagang kailangan gawin para lang sa pagplplano ng isang video... ngayon naiinitindihan ko na yung mga processes na ginagawa para lang makapanuod tayo ng isang episode ng CSI (at siyempre kailangan i-connect ko sa CSI... haha... yung kasi yung pinapanuod ko kagabi, kaya ayan, na-connect ko. haha). shyet talaga... tapos kailangan pa magpass ng PNA draft by tomorrow!!!! argh!! 30% pa naman yon ng midterm grade namin para sa orgavid... shyiet, pare. naloloka nako. ambaba pa naman ng mga unang exercises ko, may 0.0 pa... shyiet talaga... lagi ko nalang sinasabi na babawi nalang ako next time, pero hindi parin talaga ako nakakabawi!!! naiinis ako... parang wala talaga ako sa production... nakakainis... sana naman pumasa na ako dito... kahit 1.0 lang... masaya na ko... basta makathesis lang, ok nako... grabe talaga... ang hirap na ng mga ginagawa dito sa orgavid... feel ko talaga magkakasakit ako dahil dun eh... hindi lang dyan natatapos ang problema ko!!! meron pa kaming events, ang daming kailangan planuhin... sumasakit na ulo ko iniisip ko palang yon... shiyet tlga!!! sige, mamaya nalang uli ako magdadagdag... mejo meron pa ko kailangan gawin eh.... :P

20 October 2005

hmmmmm...

*disclaimer: kung ano man ang nakasulat dito, mga iniisip ko lang at mga kuro-kuro ko lang ang mga to.* mahirap nang hindi maglagay ng disclaimer eh. minsan lang talaga may mga taong nagbabasa na feel nilang sila ung tinutukoy. haay.

~

anyway, naisip ko lang kung bakit may mga pagkakataon na hindi lang talaga maintindihan ng mga ibang tao ang iniisip mo. Yung tipong nabanggit mo lang ung iniisip mo, as in out of the blue lang, as in wala lang, tapos iisipin na nila agad na baka sila yon, or may pinatutunguhan ka sa iniisip mong yon. grabe pare. napakaparanoid naman non. hay nako. minsan, hindi nako nagtataka kung bigla nalang silang magcomment na parang dinedefend nila sarili nila, parang tinamaan sila. ang tanong ko lang naman, bakit sila tinatamaan? bakit kailangan nilang magreact ng ganon? ang sakin lang naman ay, bakit ka tatamaan kung wala ka naman ginagawang mali? diba? bakit mo kailangan na idefend ang sarili mo kung hindi ka naman apektado? un lang. ang daming pagkakataon na ganyan ang napapansin ko eh. iba ung sobrang sensitive sa guilty eh. wala lang. napansin ko lang.

~

bakit naman minsan may mga tao na kahit sobrang harap-harapan at lantaran na ang mga panama mo sa kanya eh hindi talaga siya naapektuhan? as in yung sooooooobrang dense. as in kahit na deretsahin mo na, wala parin. wala lang.

~

sa mundo naman kasi natural lang na may kapareha ung isa, diba? kaya ayan. kung may sobra kung matamaan kahit hindi naman dapat, meron din naman tao na kahit sobra na patama mo sa kanya, to the point na deretchahan na, wala parin. haay. talaga naman ang duality ng mundo ano? kahit anong bagay sa mundo, meron.

~~

anyways... bakit ganon? minsan ang hectic ng buhay, minsan hindi. minsan ang daming ginagawa, minsan naman wala. minsan hindi mo alam kung paano mo pahahabain ang oras, minsan naman parang hindi gumagalaw ang oras. wala lang. madaming pagkakataon na nakita ko ang sarili ko na ganyan. hehe. wala lang.

~~~

o xa, hanggang dito na lang muna. mejo mahaba na to, at may klase pa ko. hahahahahah...

17 October 2005

hay nakoooooooo....

grabe... di ko maintindihan kung ano na nangyayari... last week sobrang stressed ako dahil sa orgavid, ngayon naman parang wala akong ginagawa para don... ngek. labo.

~

minsan ba nafeel mo na sobrang ready ka nang sumuko, pero hindi pwede? minsan kailangan lang talagang lumaban hanggang sa pinakahuling lakas na meron ka... kahit na handa nang bumigay ang katawan mo, hindi ka parin papayagan ng kalooblooban mo.... anlabo ba? minsan ksi, ganyan ang nararamdaman ko. tungkol san? sa madaming bagay... minsan sa pagaaaral, minsan sa kaibigan, minsan sa pamilya. halo-halo. walang iisang pinagkakatuunan. ganon. malabo lang talaga ang buhay sakin.

~

pero eto, seryosong tanong: bakit may mga tao na kakaiba magisip, gumalaw (and the like)? kakaiba in the sense na salunggat siya sa pagiisip ng karamihan? sige, sabihin na natin na may mga tao na sadya lang na hindi "nagcoconform" sa society, pero ang tinutukoy ko eh hindi ganon... as in yung likas na tlgang kakaiba... wala lang... naisip ko lang..

~

hay nako. buhay nga naman ano?

09 October 2005

argh. ayoko na ng ganito...

nakakaleche. hay nako. grabe na ito. hindi ko na ata makakaya ang mga pinapagawa samin. shyiet. alam nio ba ang feeling na sobrang hindi mo na alam kung saan ilulugar ang sarili mo dahil sa sobrang daming gawain na sadyang hindi mo maiwasang magkapatong-patong? ganon. as in. yung parang nahihirapan ka na huminga dahil sa pagkarami-raming sumasakal sa iyo. ganon. as in. kahit na sabihin na natin na sobrang daming kong oras sa schedule ko, wala parin. pagisip palang ng concept ubos na. pagasikaso lang ng dokumento, ubos na. parang tuloy ang sarap dekwatin nung time-turner ni hermione sa prisoner of azkaban. as in. para lang madaming oras para gawin ang lahat ng kailangan gawin. shyiet men. ayoko na. konti nlng susuko na ko. ayoko na tlga!!!!!!!!! di ko na kaya!!!!!!! argh!!!!
~
bakit ba ganito ang mundo???? bakit ba ako ginawang ganito? ayoko na tlga...
~
hay nako. di nako maxado magsasalita ng kung ano-ano dito. mahirap na, baka may mga magisip ng kung ano-ano.... hehehe. =P

04 October 2005

AAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!!

hay nako. nakakastress naman to. 4th week palang namin sa second term , stress na agad. majors palang eh, haaaay. sumsasakit na ulo ko. ayoko na magaral. as in. malapit nako sumuko.

ang masama pa dun eh may mga tao na sadya lang talagang hindi marunong umintindi. hindi mo gets? sorry ka. di ko na ieexplain. basta. di na ako nagtataka kung bakit xa loner. hah. (nyak ansama. bwahahahahahaha)

sa sobrang daming ginagawa, wala na rin akong panahon magbigay ng aking mga kuro-kuro tungkol sa mga nangyayari sa aking paligid.... haaay. di ko na alam gagawin ko.

14 September 2005

a day for discoveries... ahahahay!

haaaaaay... huwatta day. astig na unang entry 'to after term break. haha. pero seryoso. ang dami kong natuklasan ngayong araw na ito. pero.... shempre hindi ko iisa-isahin kung ano-ano ang mga nadiskubre ko noh... baka may makabasa, at bigla nalang akong hindi kausapin. *disclaimer: ang mga isusulat ko sa entry na ito ay ang aking insights tungkol sa mga nadiskubre kong iyon. siguro magbibigay ako ng example, pero it wouldn't mean na yun nga yung nangyari, okis?*
==============================================
kahit anong klaseng pakikisama mo sa isang tao, kahit ano na ginawa mo, parang hindi parin sapat para sa ibang tao. biruin mo, sabihan ka na kaya hindi na "pwedeng" sabihin sayo kung ano ang nangyayari (pero take note, siya ang nagopen up nung topic ah) kasi hindi na siya nagtitiwala sa mga ibang tao. So, in short, parang sinabihan ka na rin na hindi ka na rin niya pinagkakatiwalaan, diba? at shempre, pagkatagal-tagal na niyang nasabi sakin yon, ngayon ko lang narealize. tanga ko noh? eh ksi naman, di mo iisipin kasi ikaw, nagtitiwala ka. hay nako.
~
pagkatapos-tapos ng pagkahaba-habang mga pagkkwento sayo tungkol sa isang bagay, at paghingi ng opinion mo tungkol don, at kung bakit may mga tao na sadyang hindi nakakaintindi, yung pinakaimportanteng bagay tungkol dun ay hindi man lang masabi sayo kasi sa kung anong rason na hindi ko masabi. bakit kayang kailangan pang itago? bakit kaya kailangan pang isipin kung ano ang iniisip ng tao, sabay sabi ng wala namang masama? bakit kaya? hindi kaya kasi may sinabi siya tungkol sa isyung yon, at ngayon, kinakaen (este, nilalamon) na niya ang mga pinagsasabi niya tungkol dun? anong tawag don? hindi ba hipokrito? hay nako. ang taas pa naman ng respeto ko dun dati, ngayon biglang nawala. as in nawala talaga. problema ko ngayon, likas nalang bang makikipagplastikan ako sa kanila (yep, dalawa sila. haha), o kailangan na bang magpakatotoo na ako sa sarili ko, pati na rin sa iba pang mga kaibigan ko na maaaring (at sigurado akong) madadamay kung may mangyari man? paano ko haharapin ang isang tao na wala ka nang karespe-respeto? hindi ko nalang ba papansinin at ilalagay ang pagkakaibigan namin sa alanganin? kasi kailangan din naman isipin yung factor na naging magkaibigan din naman kami eh. hay nako.
~
ang buhay nga naman. bakit kaya ang buhay napakagulo?
kung kelan sa tingin mo ay naiintindihan mo na ang buhay, pero hindi pa pala.
anlabo talaga.
di ko na gets.
likas lang ba ito sa tao?
human nature ba, in english.
bakit? bakit kahit anong gawin mong pagiintindi, hindi mo parin maintindihan?
hindi na lang buhay ang pinaguusapan, eh.
bakit ang tao sadyang malabo?
bakit may mga tao na sadyang bumabaliktad sa sinumpaang salaysay?
anong tawag sa ganong klaseng tao?
hipokrito?! hypocrite in english.
likas lang ba ito sa isang tao?
san ito nanggaling? pano naging ganito ang tao?
mapapagkatiwalaan mo ba ang isang taong ganon? hindi, diba?
bakit pa ko nagtitiyaga sa ganong tao?
eh yun nga. naging magkaibigan din kami.
ganito lang ba talaga kahirap ang buhay?
ang dami kong natutuklasan, mahirap na magtiwala kung kani-kanino lang para ishare.
haay. ang buhay nga naman. kaya yoko na nang nagiisip eh. kung ano-ano ang mga nagiging kuro-kuro ko. haha. kelan kaya maiintindihan ang buhay?

22 August 2005

....

lecheng sipon to.. inuubo na rin ako. hmph!

21 August 2005

bakit kaya ganun? seryoso nanaman to, baka manibago ka.

bakit kaya ganun? lagi nalang ako. may mali ba sakin? ewan ko. hindi ko nga alam eh. bakit laging pag sinabing "bahala ka.", tapos ginawa mo plano mo, galit sayo. kailangan bang ganito nalang lagi?

teka. napaisip ako. ilang taon na ba ako? 20. wala nang "-teen". in short, di nako bata. pero bakit ganon? parang bata parin turing nila sakin?

bakit ganon? di ko parin magawa gusto kong gawin. di ko mailabas yung tunay kong pagkatao. bakit? kasi may pumipigil. sino? mmmm. isipin niyo nalang. andami-daming pagkakataon na sinayang. andami-daming panahon na isinantabi lang. andami-daming maaring magawa na binali-wala. bakit? dahil sa.... um! yun na.

bakit kaya? kahit sa sarili kong pamilya (hala ayan na!) di ko feel na kasama ako. di ko feel na parte ako. di ko tlga feel. sana... haay. sa susunod ko nlng sasabihin. andaming pagkakataon na pinagisipan at pinagplanuhan ko nang lumayas dito sa bahay. sobrang dami. mula pa nung bata pa ako. may nabasa akong libro, si john grisham yung nagsulat. tungkol sa isang tao na pinamukhang namatay siya, pero nagiba ng pagkatao... at nagtangay ng $90m. ngayon naisip ko, pano kaya kung ganon din gawin ko. kunwari namatay nako, pero sa totoo, mawawala lang ako bilang ethel. wala nang ethel, thellybelles, thellybelly, thellicious, thelthel, jet, etot. pano kaya yon? may makakamiss ba sken? may makakaalala ba sken? may makakaramdam ba na wala na ako? ewan. basta. pag nagkaron ako ng pagkakataon na ganon... ay, ewan. diko lam kung magagawa ko nga.

hay. kung ang buhay nga ay sadyang napakadaling intindihin. katulad nga ng sagot ko sa isang survey sa friendster, ang tanong, "life is..?" ang sagot ko: "a mystery, sometimes you think that you've understood it, but then again, maybe you haven't." haaaaay.

take me away. please.

16 August 2005

Panalangin - APO Hiking Society

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig natin dal'wa
At sana nama'y makikinig ka
Kapag aking sabihing minamahal kita

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko iyong dinggin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka Makasama ka
Yan ang panalangin ko

source: http://www.lyricsdownload.com/apo-hiking-society-panalangin-lyrics.html


kahit na paulit ulit lang ang kanta, oks lang. kung kailangan paulit ulit, oks lang. at least naeemphasize. kelan ko kaya magagawang masabi ang kailangan kong sabihin?

15 August 2005

ouch men...

*minsan lang magseryoso.. pagbigyan niyo pagddrama ko...*
~

kahit na sabihin kong masakit, wala naman ako magagawa. bakit? wala naman ako karapatan eh. sino ba ko? kaya kahit na ilan beses kong sabihin sa iba na nakapag 'move on' nako, hindi ko kayang i-deny sa sarili kong kahit papaano, masakit eh. kung ikaw ba naman kwentuhan kung sino gusto niyang pormahan diba? ouch men. alam ko minsan nagpapakamanhid nako, pero di naman ako bato. alam kong wala akong karapatan magdrama, pero... kailangan ko lang talaga ilabas ito. hindi ko na kakayanin eh. di naman ako si superman (or girl, for that matter). tao ako, nakakaranas din ng mga ganitong problema sa buhay. haaay.

lecheng buhay to. tama ka, sir flo. bakit pa kaya nagevolve ang tao? leche.

11 August 2005

isang malaking....


SALAMAT!

sa lahat ng nageffort gumising ng maaga kanina... :D salamat sa lahat!!! *mmmmmwah! you're da best!*

09 August 2005

hala!

dalawang tulog nalang!!!!!










BIRTHDAY KO NA!!! shet! tatanda nako!

08 August 2005

isang hirit bago matulog.....

ang daming mga pangyayari ang hindi ko ineexpect na mangyari. sino ba naman ako para makontrol ang mga pangyayari na itinatalaga ng tadhana... ang pwede ko lamang gawin ay tanggapin ito at gamitin sa pinaka-mabuting panahon.

~

sino ba naman ang makakapagsabi na nakakamiss din pala sila? siguro kasi nasanay na ako na isang taon mahigit na ang naging pagsasama namin - mula pa nung ako'y naging kadete hanggang ngayon. parang ang dami na nangyari na hindi talaga mapapalitan ng kung ano pa man.

~


madaming alala ang naitatag magmula non. hinding hindi ko makakalimutan ang mga yon. at para don, salamat.. salamat ng madami. hindi pa sapat ang paggawa namin ng video para sa inyo.

~

kung saan man hahantong ang naging pagsasama natin, isasaalang-alang ko na lang uli ito sa tadhana...